Isang aninong naglalakbay, masaya,
Ang laging maaaninag sa ngiti nya.
Kung saan magtatapos lang makikita,
Isang ngiting matamis at minsan kita.
Isang daang libo’t isang alaala,
Daan-daang luha ang pumatak, isa.
Isa sa daan, hindi malilimutan
Walang nakaraan ang dapat ‘di tanda
Isang anghel ang nasa harap ng dilim
Isang ba lamang anino? O baliktad?
Mga kayamanang inukit sa isip
Masaya o malungkot? Ito’y parami
Sa dulo ng kadiliman, kanyang kita
Liwanag na nakakapuksa sa dilim
Subalit iba siya sa ibang dilim
Ang liwanag ang kanyang tagapagbago
Friday, June 13, 2008
Subscribe to:
Comments (Atom)